Pasig City Mayor Vico Sotto (4th from left) together with Rep. Roman Romula (left most) and Vice Mayor Dodot Jaworski (4th from right), join officials of Brgy. Dela Paz in Pasig City during the turnover of new firetruck. (Photos courtesy of Pasig City PIO)
LUNGSOD QUEZON (PIA) — Magandang balita! Nakatanggap ang 28 mga barangays ng Lungsod Pasig ng tig-isang bagong firetruck kamakailan.
Personal na dinaluhan nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, mga opisyal ng bawat recipient barangays, opisyal at mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP), maging barangay volunteers at NGO fire fighters ang turn over ceremonies.
Ang bawat truck ay may kasamang breathing apparatus, PTO pump, car racing seat, blinkers, built-in siren, low-frequency sound wave sirens, at marami pang iba. Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kauna-unahan sa Pilipinas na magkakaroon ng ganitong feature (particular ang low-frequency sound wave sirens) ng fire trucks.
Ayon kay Mayor Sotto, ang mga firetruck ay de-kalidad at masusing pinag-aralan ang specifications nito.
Bukod sa fire trucks, may kasama ring training para sa recipient barangays para masiguro na may kakayahan din ang mga ito na gamitin ang donated firetrucks at makatulong ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at BFP sa pagresponde sa mga insidente ng sunog sa kanila-kanilang hurisdiksyon. Ang mga barangay na nakatanggap ng donasyon ng fire trucks mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay ang mga nag-request o nagpahayag ng pangangailangan para rito.
Ang turn-over ceremonies na ito ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office. (Pasig City/PIA-NCR)