Mga centenarians sa Batangas, tumanggap ng insentibo

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Nagkaloob ang pamahalaang lungsod ng Batangas ng insentibo para sa dalawang bagong centenarians noong ika-26 ng Hulyo,2024.

Tinanggap Nina Victoria Delen mula sa Brgy. Dumuclay at Felisa Macatangay mula sa Brgy. Balete ang P30k cash incentive na personal na iginawad nina Mayor Beverley Dimacuha kasama ang mga miyembro ng konseho, sa pangangasiwa ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office.

Mayroon ding tatlong centenarians na napagkalooban ng halagang P10k at kabilang dito sina Cresencio Galicia, 104 taong gulang ng Brgy. Mabacong, Rosita Sadiangcolor,103 taong gulang ng Brgy. Paharang West at Eleuteria Villena,101 taong gulang mula naman sa Brgy. Gulod Labac.

Ang nasabing one-time cash incentive ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mga inidibidwal na nakaabot ng 100 taong gulang at higit pa.

Nagpaabot naman ng pasasalamat at nagpahayag ng lubos na kasiyahan ang mga pamilya ng mga centenarians na nabigyan ng insentibo dahilan sa malaking tulong ang nabanggit na halaga para sa mga benepisaryo.

Sa ilalim ng Republic Act 11982 o ang pinalawig na Centenarians Act of 2016, makakatanggap and bawat centenarian ng P100,000 mula sa pamahalaang nasyonal. (MPDC-PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)

In other News
Skip to content