Mga IPs sa San Jose tumanggap ng binhi mula sa OPAg

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Namahagi ng mga seedlings at vegetable seeds sa mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) sa Barangay Lanas sa bayan ng San Jose, Romblon nitong Huwebes ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Agriculturist Office bilang bahagi ng programang naglalayon na palakasin ang sektor ng agrikultura sa komunidad at suportahan ang mga IPs sa kanilang pagtatanim ng mga gulay at iba pang pananim.

Kasama sa ipinamahaging mga kagamitan ang isang unit ng power cultivator at grass cutter sa isang vegetable association sa lugar.

Personal na dumalo sa aktibidad si San Jose Mayor Egdon Sombilon upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagtugon sa kanilang kahilingan na magkaroon ng mga binhi para sa mga miyembro ng IPs sa kanilang lugar.

Ipinahayag ng alkalde ang kanyang suporta sa mga programa at proyekto na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura at pangkabuhayan ng mga lokal.

Maliban sa turismo na siyang pangunahing hanap-buhay ng mga residente sa lugar, isa rin ang pagsasaka at pangingisda ang bumubuhay sa mga residente rito. (PJF/PIA MIMAROPA-Romblon)


Masayang tinanggap ng mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) sa Barangay Lanas sa bayan ng San Jose, Romblon ang seedlings at vegetable seeds na hatid sa kanila ng Provincial Agriculturist Office kamakailan. (Photo Courtesy: San Jose PIO)

In other News
Skip to content