LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Namahagi ng school supplies kabilang ang bags, lapis, notebooks at envelop ang pamahalaang bayan ng Castilla sa mga Grades 1-2 na mag-aaral sa elementarya ng Cumadcad, Mayon, San Vicente at Sogoy nang nakaraang ika-20 ng Pebrero.
Ang pamamahagi ng mga school supplies ay bahagi ng implementasyon ng “Kadunungan Program” o pang edukasyong programa para sa mga kabataan ng naturang lokal na pamahalaan.
Ito rin ay bahagi ng suporta nang lokal na pamahalaan ng Castilla sa 7K program ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon na naglalayon na masuportahan at matulungan sa pag-aaral ang mga kabataan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga magulang sa natanggap ng kanilang mga anak na gamit pang edukasyon na makakatulong sa pag aaral ng mga ito.
Kaugnay nito nakatakda ring puntahan pa ng mga kawani ng LGU Castilla ang ibat-ibang paaralang elementarya sa nasabing bayan upang maihatid at maipamahagi ang mga school supplies para sa mga kabataan. (PIA5/Sorsogon)
Photo via Castilla PIO