Mga mag-aaral sa General Luna, tumanggap ng educational assistance

GENERAL LUNA, Quezon (PIA)- Tumanggap ng educational assistance ang 645 na mag-aaral sa  bayang ito noong Pebrero 5.

Pinangunahan ni General Luna Mayor Matt Erwin Florido ang pamamahagi ng educational assistance  kung saan bawa’t mag-aaral ay tumanggap ng halagang P4,000 para sa unang semester ng kanilang pag-aaral bilang bahagi ng programang BKK o Bayanihan Para sa Kinabukasan ng Kabataan Scholarship Program ng administrasyon ni Mayor Florido.

Ayon sa alkalde, sinamantala ng lokal na pamahalaan na maipamahagi sa mga BKK Scholar ang ang naturang halaga noong  araw ng Linggo dahil walang pasok ang mga mag-aaral.

Inihayag  din ni Florido na may 340 scholars pa na bubuo sa 2nd Batch na nakatakda ring tumanggap ng benepisyo.

“Sa kabuoan po ay may  985 na ang bilang ng ating scholars sa college, masteral at doctoral,” sabi pa  ni Florido.

Noong taong 2020 na-institutionalized ang Bayanihan Para sa Kinabukasan ng  isang mag-aaral Kabataan (BKK) Scholarship Program sa bayan ng General Luna sa pagsisikap ni Mayor Florido katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Bayan. (RMO/PIA-Quezon)

In other News
Skip to content