Mga magsasaka mula sa 3 bayan sa Tablas, tumanggap ng fertilizer discount voucher

ROMBLON, Romblon (PIA) — Tuloy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) ng subsidiya sa mga magsasaka ng palay sa probinsya ng Romblon bilang bahagi ng National Rice Program ng gobyerno.

Kamakailan ay aabot sa 748 na magsasaka mula sa mga bayan ng Looc, Alcantara at Ferrol ang nabigyan ng DA Mimaropa ng mga fertilizer discount vouchers. Ang mga nasabing kwalipikadong magsasaka ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture at nakatala sa Farmers and Fisherfolk Registry System.

Ayon sa Agricultural Program Coordinating Officer ng Romblon na si Engr. Analiza Escarilla, ang halaga ng ibinibigay na discount vouchers ay nakadepende sa lawak na sakahan ng isang magsasaka.

Ang mga nabanggit na vouchers ay magagamit ng magsasaka sa pagbili ng UREA fertilizer mula sa isang accredited fertilizer merchant.

Layunin ng programang ito ng DA Mimaropa ay ang makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka at maibsan ang malaking gastusin sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga abono. (PJF/PIA Mimaropa)

In other News
Skip to content