Mga magsasaka sa Quezon, nakatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa DA

LUCBAN, Quezon (PIA) — Aabot sa 1,196 magsasaka ng palaya mula sa mga bayan ng Lucban, Mauban, Pagbilao, Sampaloc, at Tayabas City ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Department of Agriculture Region IV-A.

Ayon sa DA IV-A, bawat magsasaka ay tumanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ng kagawaran.

Ang RCEF-RFFA ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11203 o ang “Rice at Tariffication Law (RTL)” at RA No. 11598 o ang “Cash Assistance for Filipino Farmers Act”.

Ang mga magpapalay na tumanggap ng tulong ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at nagsasaka sa may dalawang ektarya o pababa na lupa.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina Lucban Mayor Agustin Villaverde; Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Quezon Eduardo Lalas; Quezon District I Board Member Julius Luces; Quezon Province First District Representative House Committee Chairman for Agriculture and Food Chief of Staff Zaldy Gariquez; Philippine Coconut Authority Senior Agriculturist Ramonchito Castillo at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lucban at DA IV-A. (RMO)

In other News
Skip to content