LUNGSOD PASIG, (PIA) — Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na papayagan nito ang mga deboto ng Itim na Nazareno na sumakay sa LRT-2 ng nakayapak.
Ayon sa LRTA, ito ay bilang pakikiisa sa gaganaping Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong Martes, Enero 9, 2024.
Samantala, mananatili naman ang regular na oras ng operasyon ng LRT-2 sa mga naturang araw. Aalis ang unang tren sa Recto station at Antipolo staton ng 5:00AM. Habang ang huling tren sa Antipolo station ay aalis ng 9:00PM at 9:30PM sa Recto station.
Ang tema ng pagdiriwang ng #Nazareno2024 ay “Ibig po naming makita si Hesus,” (Juan 12:21). (LRTA/PIA-NCR)