LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 16 (PIA) – Sa tulong ng mga Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro sa bayan ng Pola at Baco, dumaan sa Entrepreneurial Mind-Setting Seminar cum Business Continuity Planning ang mga negosyanteng kasapi ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) bilang benepisyaryo upang makaahon matapos mawalan ng kita dulot ng oil spill na nakaapekto sa buong lalawigan.
Unang isinagawa ang nasabing aktibidad sa Negosyo Center Pola kahapon at ngayong araw sa Café De Baco kung saan ang mga kalahok ay mga negosyante at tinuruan sila ng mga kawani ng DTI Negosyo Center ng mga pamamaraan kung paano muling bumawi sa natigil na negosyo dahil sa kalamidad.
Ang bawat kalahok ay pinagkalooban ng livelihood kit na siyang magsisilbing gabay sa muling pagbangon ng kanilang negosyo. (DN/PIA-Mimaropa/OrMin/DTI-OrMin)
Muling sinanay ng DTI-Oriental Mindoro ang mga negosyanteng benepisyaryo ng samahang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa mula sa bayan ng Baco na nawalan ng kita bunsod ng naganap na oil spill sa lalawigan. Pinagkalooban sila ng livelihood kits na magsisilbing gabay sa pagbangon ng kanilang negosyo. (Larawang kuha ng DTI-OrMin)