Mga programa at serbisyo ng OWWA, dadalhin sa mga barangay

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato (PIA) — Upang mas mapalapit ang mga programa at benepisyo ng pamahalaan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ay mas paiigtingin pa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga programa nito lalo na sa barangay level.

Sa kanyang pagbisita sa lungsod ng Koronadal, ibinida ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang kanilang bagong programang “Parokya ng OWWA sa Barangay.”

“Ang design nito ay magkaroon ng very active presence ang OWWA sa mismong barangay,” ayon kay Ignacio.

Ang programa ay magiging daan din upang mabigyan ng agarang solusyon ang psychosocial needs at iba pang pangangailangan ng mga OFWs at kanilang pamilya.

Dagdag ng opisyal, isa din itong hakbang upang makapagbigay ng tamang impormasyon at maiwasan ang illegal recruitment.

Samantala, ayon kay OWWA 12 regional director Mariliou Sumalinog abot na sa 3,181 OFWs mula sa 40 barangay sa iba’t-ibang probinsya ng rehiyon ang kanilang napuntahan mula nang umpisahan ang programa noong nakaraang taon.

“We are bringing the programs and services of OWWA right at the doorsteps of our dear OFWs. Kami na po ang bababa sa inyo. Mararamdaman na po ng ating mga OFWs na ang programa ng OWWA ay very accessible sa kanila at madaling lapitan ang ating mga OFW groups dahil they will also serve as our voice sa ground,” sabi ng opisyal. (PIA 12)

In other News
Skip to content