MMDA, nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ni ‘Enteng’ sa Naga City

Photos courtesy of MMDA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Upang maghatid ng karagdagang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Enteng, tumulak nitong Martes, Setyembre 3, ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, ipinadala ang contingent team ng ahensiya bilang tugon sa hiling na relief assistance ni Naga City Mayor Nelson Legacion.

Ang grupo ay magse-set up ng mga solar-powered water purifiers sa mga komunidad na limitado o walang suplay ng maiinom na tubig.

Dala rin ng grupo ang ilan pang kagamitan gaya ng generator sets at chainsaws.

Limang araw ang itatagal ng MMDA contingent sa Naga City upang makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan. (JEG/PIA-NCR)

In other News
Skip to content