MMDA, nakahanda na sa transport strike

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Nakahanda na ang mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa tatlong araw na transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON) simula Lunes, Nobyembre 20 hanggang Miyerkules, Nobyembre 22, kaugnay ng public utility vehicle o PUV modernization.

Ayon sa MMDA, nasa 37 rescue vehicles mula sa ahensya, Office of the Vice President, Office of the House Speaker, at private bus companies, ang handang i-deploy para sa mga lugar na maaapektuhan ng transport strike.

Ang mga miyembro ng inter- agency monitoring team ay nakaantabay sa MMDA Communications and Command Center sa Pasig City.

Sa command center tinatanggap ang tawag at report mula sa field tungkol sa sitwasyon sa mga lansangan ng Metro Manila.

Samantala, inabisuhan naman ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes ang mga traffic enforcers na prioritize ang traffic management sa Metro Manila. (MMDA/PIA-NCR)

In other News
Skip to content