MMDA, tumanggap ng 20 bisikletang donasyon mula sa Decathlon PH

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magandang balita! Nakatanggap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga bisikleta mula sa Decathlon Philippines.

Personal na tinanggap at nagpasalamat si MMDA Acting Chair Atty. Don Artes sa Decathlon Philippines sa may 20 biseklatang donasyon na may kasama pang mga accessories gaya ng helmet at bike rack.

Ayon kay Artes, malaking tulong ang mga bisikletang donasyon na magagamit ng mga kawani ng ahensya sa kanilang bike lane program.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang Decathlon Philippines Marketing Leader na si Tomas Barba at umaasa sila na ang kanilang donasyong mga bisikleta ay makatutulong sa MMDA. (MMDA/PIA-NCR)

In other News
Skip to content