Muntinlupa, may paalala para sa Undas 2023

Muntinlupa City Public Cemetery in Putatan, Muntinlupa (Photo by Muntinlupa PIO)

QUEZON CITY, (PIA) — Nakahanda na ngayon araw ang Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa para dagsa ng mga dadalaw sa sementeryo ngayong Undas. 

Ayon sa Muntinlupa Public Information Office, nakaantabay ang PNP Muntinlupa, Public Order & Safety Office (POSO), at City Security Office (CSO) para panatiliin ang kaayusan at tiyakin ang kaligtasan sa mga sementeryo. 

May booth din na itinayo ang City Health Office-Muntinlupa (CHO) at Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (DDRM) upang magbigay ng paunang lunas o first aid para sa mga makararanas ng hindi magandang pakiramdam.

Dagdag ng Muntinlupa PIO, mayroon ding water stations na inihanda ng mga Barangay, at nakaantabay din ang Bureau of Fire Protection (BFP NCR Muntinlupa City) para magbigay assistance.

Mayroon ding Libreng Sakay simula ngayong araw, Oktubre 31 hanggang bukas, Nobyermbre 1, 2023, mula 6:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. na babaybay sa rutang Susana Heights to Everest Hills Memorial Park and vice versa.

Paalala din ng Department of Health (DOH) na iwasan nang isama ang mga bata kung maaari.


Mga personnel ng City Security Office (CSO) na nakaantabay para panatilihin ang kaayusan at kaligtasan sa mga sementeryo ngayong UNDAS. (Larawan mula sa Muntinlupa PIO)

Mga paalala para sa Libingang Panlunsod ng Muntinlupa

Sa Oktubre 31 at November 1, bukas ang Libingang Panglungsod ng Muntinlupa mula 6:00 a.m. hanggang 6:00 p.m..

Walang skedyul ng libing o cremation sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2. Papayagan lamang ito depende sa pangangailangan ayon sa Muntinlupa PIO. 

Mga ipinagbabawal sa mga sementeryo, memorial parks, at columbariums sa Muntinlupa:

  • Pagsusugal
  • Alcoholic beverages
  • Flammable materials
  • Firearms at anumang matulis na mga bagay (eg. knife, cutter, etc.)
  • Paninigarilyo o paggamit ng vape
  • Videoke o sound system na naglalabas ng malakas na tunog
  • Pag-o-overnight sa sementeryo
  • Pagtitinda sa loob ng sementeryo
  • Pagpaparada ng anumang uri ng sasakyan (para lamang sa Panlibingang Panlungsod)

Para sa mga emergency, tumawag sa Muntinlupa Emergency Hotline Numbers:

137-175

8373-51-65 

0921-542-7123 

0927-257-9322

(Muntinlupa PIO/PIA-NCR)

In other News
Skip to content