NCR, overall champion sa 2023 Palarong Pambansa

Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Zara Duterte sa pagtatapos ng 2023 Palarong Pambansa, Biyernes, Agosto 5, sa Lungsod Marikina

LUNGSOD QUEZON, (PIA) –Matapos ang isang linggong kompetisyon ng mga batang atleta sa Marikina City, pormal nang isinara ni Vice President at Secretary of Education Sara Z. Duterte ang ika-63 na edisyon ng Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center noong Sabado, Agosto 5.

Sa pagtatapos ng 2023 Palarong Pambansa, napanatili naman ng National Capital Region ang Overall Championship nang mag-uwi sila ng 85 gold, 74 silver at 55 bronze medals samatalang sinundan naman sila ng Western Visayas na may 60 gold, 45 silver at 44 bronze medals at CALABARZON na may 52 gold, 52 silver at 57 bronze medals.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan niya ang lokal na pamahalaan ng Marikina City sa maayos na pagsasagawa ng 2023 Palaro at ang mga kalahalok sa aktibong partisipasyon sa annual basic education sporting event.

“I am pleased to join you today as we close the Palarong Pambansa 2023 with jubilation and pride in what our young athletes have achieved this week,” aniya.

Idineklara naman ni Assistant Secretary for Operations at Palarong Pambansa Secretary-General Francis Cesar Bringas ang Cebu City na host ng Palarong Pambansa 2024 at ang Ilocos Norte sa 2025 edition. (PIA-NCR)

In other News
Skip to content