DOH file photo
LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Ilang araw bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon, nagbigay paalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang maiwasan ang disgrasya dulot ng mga paputok.
Payo ng NCRPO, gumamit ng sound system o torotot bilang alternatibo sa paputok. Siguruhin din na bumili lamang ng mga legal na paputok mula sa mga awtorisadong nagtitinda.
Sindihan ang paputok sa bukas at ligtas na lugar, malayo sa bahay at sa mga tao.

Mahalagang bantayan ang mga bata huwag hayaang maglaro ng paputok.
Paalala rin ng otoridad na huwag magpapaputok kung nakainom ng alak.
Para sa anumang emergency, tumawag sa NCRPO hotline 0999-901-8181 or 0915-888-8181. (JEG/PIA-NCR)