Georgia

No. of Views: 10,000

No. of Shares: 2,000

Currently viewed by: Marcus Rosit

18k katao sa Romblon, nabakunahan na laban sa Covid-19

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Aabot na sa 18,718 katao sa probinsya ng Romblon ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019, batay sa huling ulat na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Ang mga ito ay nagmula sa mga kategorya ng mga A1 o medical frontliners, A2 o mga senior citizens, at A3 o mga taong may comorbidities.

Sa talaan, aabot na sa 5,548 na mga A1 ang nabakunahan sa probinsya habang 8,806 naman sa mga A2 at 4,364 naman ang mga A3.

Sa bilang na ito, 9,552 na ang nakatanggap ng kanilang ikalawang dose ng bakuna.

Ayon sa PESU, Sinovac at Astrazenica Covid-19 vaccines ang dumating na mga gamot sa probinsya mula sa Department of Health (DOH)-Center for Health Development (CHD) Mimaropa.

Noong Hulyo 9 nang dumating ang panibagong mga batch ng Sinovac Covid-19 vaccines mula sa DOH-CHD Mimaropa sa probinsya.

Ayon kay Ralph Falculan, Development Officer ng DOH-Mimaropa, aabot sa 6,720 na vials ng Sinovac vaccines ang dumating sa Romblon sakay ng RORO at idiniretso sa cold-chain facility sa Romblon Provincial Hospital.

Agad naman itong ipinamahagi sa mga munisipyo upang agad na maiturok sa mga nabakunahan na ng kanilang first dose.

Sa huling tala ng Provincial Health Office, aabot na sa 33,590 doses na ang kabuoang bilang ng mga bakuna ng Sinovac at Astrazenica ang dumating sa probinsya ng Romblon. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch