Georgia

No. of Views: 10,000

No. of Shares: 2,000

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 32 na illegal settlers sa NV nahaharap sa kasong PD 705

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) --. Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 705 ang tatlumpung dalawang illegal settlers sa barangay Runruno sa Quezon,Nueva Vizcaya dahil sa kasong isinampa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Isinampa ng DENR ang kaso laban sa mga illegal settler dahil sa hindi nila pagsunod sa panawagan ng ahensiya na dapat na nilang lisanin ang kanilang mga tirahan na nasa mga geo-hazard zones.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officet Edgar Martin, isinampa nila ang kaso dahil sa paglabag ng mga illegal settler sa PD 705 partikular ang section 78 na nagbabawal sa mga ito na manirahan at paninira sa mga forest lands at grazing lands.

Sinabi pa ni Martin na halos isang taon na ang naibigay na palugit sa mga illegal settler upang lisanin ang mga geo-hazard areas matapos ang naisagawang dayalogo noong nakaraang taon para sa kanilang relokasyon sa ligtas na lugar.

Ayon pa kay Martin, may 2.1 ektarya na relocation site ang kasalukuyang inihahanda ng lokal na pamahalaan ng Quezon at National Housing Authority (NHA) para sa mga illegal settler.

Dagdag pa ni Martin na may 337 na ang babayarang bahay at ari- arian ng FCF Mineral Corporation na may sakop sa lugar dahil sa kanilang gold molybdenum project sa barangay Runruno.

Nanawagan pa si Martin sa mga nagpupumilit na mga illegal settler na lisanin at huwag nang pamugaran ang mga geo-hazard na lugar sa Runruno upang hindi na muling maulit ang trahedya ng landslide na kumitil ng siyam na buhay noong Nobyemebre nang nakaraang taon dahil sa bagyong 'Ulysses'.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga nakasuhang illegal settler kay Governor Carlos Padilla upang harapin ang mga kasong isinampa ng DENR sa Municipal Trial Courts sa mga Bayan ng Villaverde at Solano. (MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Editor

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch