LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Umabot na sa mahigit 70 porsyento (70%) ang mga nabakunahan na tourism frontliners sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Tourism Metro Manila, sa kabuuan ay may 19,315 tourism frontliners mula sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila ang naitala noong Agosto 9, 2021.
Itinutulak ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang pagbabakuna sa mas marami pang manggagawa sa larangan ng turismo sa iba’t ibang panig ng bansa upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko na maglakbay at makabangon muli ang industriya ng turismo sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.
Samantala, tinatawagan naman ang lahat ng mga hindi pa nababakunahang tourism frontliners sa Metro Manila na makipag-ugnayan sa DOT-NCR o magpa-rehistro sa kanilang lokal na pamahalaan. (DOT-NCR/PIA-NCR)