Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

22,324 pamilya naapektuhan ng habagat, tumanggap ng tulong

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- May 22,324 pamilyang naapektuhan ng Bagyong Fabian na pinalakas pa ng Habagat ang tumanggap ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
 
Sa atas ni Gobernador Daniel Fernando, agad na nagsagawa ng relief operation ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO sa bayan ng Calumpit kung saan may kabuuang 3,738 na pamilya ang nabahagian ng food packs kabilang na ang mga Barangay ng Sta. Lucia, San Miguel at Gatbuca.
 
May 8,093 pamilya naman mula sa bayan ng Balagtas kasama ang mga Barangay ng Panginay, Wawa at San Juan at 1,600 na pamilya mula sa bayan ng Marilao kabilang ang Brgy. Poblacion II ang hinatiran rin ng tulong.
 
Sa pagpapatuloy ng relief operation muling tinungo ng PSWDO kasama si Fernando ang Barangay ng Gugo, Meysulao at Frances sa bayan ng Calumpit kung saan mayroong karagdagang 3,491 na pamilya ang natulungan at sa bayan ng Marilao kabilang ang mga Barangay ng Abangan Norte at Poblacion I kung saan may karagdagang 6,641 na pamilya ang tumanggap ng relief goods. 
 
Ayon sa punong lalawigan, dapat maging alerto dahil paparating pa lamang ang mga buwan ng matitinging pag-uulan.
 
Anya wala pa tayo sa buwan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre na kasagsagan ng kalamidad at bagyo kayat marapat na maging mapagmatyag para sa kaligtasan ng bawat Bulakenyo.
 
Kamakailan ay nagpaabot din ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. San Juan, San Miguel at Brgy. Ang Sta. Ines, Bulakan. (CLJD/VFC-PIA 3)

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch