Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

152 mga dating miyembro ng BIFF, sumailalim sa entrepreneurial skills training

LUNGSOD NG COTABATO Agosto (PIA) -- Abot sa 152 mga dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumailalim kamakailan sa entrepreneurial skills training mula sa project Tulong Ng Gobyernong Nagmamalasakit (TuGoN) ng Ministry of Interior and Local Government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM).

Ang nasabing pagsasanay ay sa pakikipagtulungan kasama ang Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT-BARMM) na isinagawa sa mga bayan ng Radjah Buayan, Maguindanao; President Quirino, Sultan Kudarat; at Kabacan, North Cotabato.

Naging posible rin ang aktibidad sa tulong ng 33rd Infantry Battalion, 601st at 602nd Infantry Brigades ng Philippine Army.

Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kakayahan ng mga dating BIFF sa pagsisimula ng negosyo, financial literacy, business resiliency, at iba pang mga larangan ng pagnenegosyo.

Ito rin ay bilang paghahanda sa kanilang reintegration sa mainstream society at maging mas produktibong mamamayan ng Bangsamoro.

Samantala, sinabi ni MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo na ang pamahalaan ng BARMM ay magpagpapatuloy sa kampanya na wakasan ang lokal na armadong tunggalian sa rehiyon, at hinikayat ang iba pang mga lawless groups na sumuko sa pamahalaan at maka-avail sa mga programa at serbisyo ng Project TuGoN.

Dagdag pa rito, plano rin ng Project TuGoN na isagawa ang kaparehong aktibidad sa mga probinsya ng Lanao Del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi upang mabigyang-serbisyo ang iba pang mga dating BIFF. (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch