Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Legasiya ni Presidente Duterte, tinalakay sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Oct. 12 (PIA) -- Tinalakay  ni Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang mga legasiya ni Presidente Rodrigo R. Duterte sa panayam nito sa radyo noong Lunes, Oktubre 11.

Sa panayam ni Station Manager Agnes Andrade Ella ng DWCN-FM Radyo Pilipinas kay Sec. Andanar, sinabi nito na ang Duterte Legacy ay ulat sa bayan ng mga nagawa sa ilalim ng termino ng presidente mula 2016 katulad ng peace and order, law and order, poverty alleviation at anti-corruption drive.

Aniya, sa peace and order ay nalagdaan ang Bangsamoro Organic Law ganon din ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan 19,000 rebelde ang ang nagbalik loob sa pamahalaan. 

Sa law and order, 64% ng crime volume ay bumaba sa bansa at naibalik na ang mga lansangan sa tao kung saan malaya na silang nakakapaglakad sa kanilang mga lugar. Umabot na rin sa 22,000 na mga barangay ay drug cleared sa iligal na droga.

Ang anti-corruption drive na nilagdaan ni Presidente Duterte tulad ng Freedom of Information (FOI) sa ilalim ng Executive Order No. 2 ay hinahawakan ng PCOO.

Sa Anti-Red Tape Act ay pinalakas at pinalawig ito at itinatag ang Presidential Anti-Corruption Commission.

Habang sa pag angat ng pamumuhay, bumaba ang porsiyento ng poverty incident mula 24% hanggang 14%. Ito ay dahil sa mga programa gaya ng Build, Build, Build kung saan 6.5 milyon na Pilipino ang nabigyan ng trabaho.

Ang mahigit na 140 Malasakit Centers ni Sen. Bong Go ay nakatulong sa dalawang milyong mga pasyente na mahihirap at nadadagdaan ito araw-araw, ito ay mayroong libreng gamot at pampagamot.

Sa Duterte Legacy, lahat ng mga departamento at ahensiya ay nakatulong at mayroong ambag dito. Ito ay naiuulat na long term time bound o hanggang June 30, 2022 ang pagrereport ng mga nagawa ng presidente.

Naibigay ang libreng edukasyon, kung saan nabiyayaan ng free tuition ang mga estudyante sa state universities at colleges na umabot sa 1.6 milyon.

Sa Tax Reform Law ay nabigyan ang 99% ng wage earners ng libreng income tax para sa mga kumikita na mas mababa pa sa P20,000.

Itinaas rin ang sweldo ng mga kapulisan at sundalo samantalang ang mga magsasaka na mayroong hindi bababa sa 10 ektaryang sinasaka ay libre ang irigasyon o patubig at mahigit isang milyon ang nakinabang dito.

Sinabi pa ni Andanar na ang mga driver’s license ay ginawang limang taon ang validity samantalang 10 taon ang pag renew ng pasaporte ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang mga ina na nagdadalang tao ay 105 na araw na ang maternity leave mula sa 60 days. Samantalang umaabot sa siyam na milyong Pilipino ay saklaw ng Universal Health Care Law.

Idinagdag ng kalihim ang ilang legasiya sa rehiyong Bikol sa imprastraktura ay natapos na rin gaya ng  Virac Air Port sa lalawigan ng Catanduanes at Daang Maharlika Section sa Camarines Sur, gayundin ang  anim na Malasakit Centers na nasa hospital ng bawat probinsya.

Natapos rin ang 1,600 kilometer road, 295 na tulay, 706 flood navigation project at 8,400 silid-aralan sa rehiyong bikol.

Hinikayat ni Andanar ang publiko na matulungan si Presidente Duterte dahil mahalaga ang pagtutok sa recovery road map sa bansa dahil sa negatibong epekto ng pandemya gaya ng pagkawala ng  trabaho at mga negosyateng nawalan ng kompiyansa ganundin ang mga estudyante na hindi pa face-to-face ang klase. (ROVillamonte-PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch