Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pinsala ni 'Maring' sa Palawan, sinuri ng PDRRMO RDANA Team

Pinsala ni 'Maring' sa Palawan, sinuri ng PDRRMO RDANA Team

Nagsimula nang magsagawa ng pagtasa sa pinsalang idinulot ng bagyong Maring sa Palawan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team. Susuriin ng grupo ang laki ng pinsala sa mga kabahayan at kabuhayan, pinsala sa imprastraktura at ang kabuuhang bilang ng mga apektadong residente sa iba’t-ibang munisipyo sa Palawan. (Larawan mula sa Palawan PDRRMO)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagsasagawa na ng pagtasa sa pinsalang idinulot ng bagyong Maring sa Palawan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team.

Ang grupo ng Palawan PDRRMO RDANA Team na binubuo ng PDRRMO, Office of the Provincial Agriculturist, Provincial Engineering Office, Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Veterinary, at Department of Public Works and Highways (DPWH), ang magsusuri ng sitwasyon ng mga munisipyo na malubhang naapektuhan ng bagyo.

Susuriin ng grupo ang laki ng pinsala sa mga kabahayan at kabuhayan, pinsala sa imprastraktura at ang kabuuhang bilang ng mga apektadong residente sa iba’t-ibang munisipyo sa Palawan.

Sinimulan ito noong Oktubre 13 sa bayan ng Narra kung saan isa ang munisipyong ito sa naapektuhan ng pagbaha na nagdulot ng pagkasira maraming kabahayan at kabuhayan ng mga residente dito. May mga pamilya pa na nawalan ng mahal sa buhay, at patuloy pa rin ang retrieval operations sa ilang nawawalang indibiduwal.

Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng family food packs at iba pang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga apektadong residente.

Patuloy din ang monitoring ng Emergency Operations Center (EOC) sa lahat ng mga munisipyo upang agarang mabigyang aksyon ang naging pinsala ng bagyo. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan at may kasamang ulat mula sa PIO-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch