Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pinakamataas na bilang ng pagbabakuna, naitala

LUNGSOD NG QUEZON (PIA) -- Naitala noong Huwebes, Nobyembre 11 ang pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa isang araw na umabot sa 1,239,981. Ito ay kumpara sa tatlong sunud-sunod na tatlong araw na may matataas na bilang ng nabakunahan, ayon sa ulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes, Nobyembre 15.

Noong Nobyembre 10 ay pumalo sa 1,052,600 ang daily vaccination habang noong Nobyembre 12 naman ay umabot sa 971,159 ang bilang ng nabakunahan.

Samantala, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboards, sa Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng nabakunahan. Umabot na sa 10 milyon ang nakatanggap ng first dose ng bakuna at mahigit 9 milyon ang ganap nang bakunado sa capital region.

Ayon kay Secretary Roque, malapit nang maabot ang target na 70 milyon na total vaccines administered sa buong Pilipinas.  Base sa tala ng COVID-19 Vaccination Dashboard noong Nobyembre 14 umabot na 31.5 milyong Pilipino o 40.93% ng kabuuang populasyon ng bansa ang fully vaccinated. 

Dumating  naman noong Sabado, Nobyembre 13  ang karagdagang 1,279 doses ng Moderna vaccine na binili ng pamahalaan. Dagdag pa ito sa  866,970 doses ng Pfizer vaccine na dumating naman noong  Nobyembre 11. (ARR/PIA-IDPD)



About the Author

Adora Rodriguez

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch