Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Karagdagang temporary treatment and monitoring facility, binuksan sa Tagkawayan

TAGKAWAYAN, Quezon (PIA) — Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan ang mga hakbang nito kontra Covid-19, sa pagbubukas ng isa sa mga bagong gusali sa Maria L. Eleazar General Hospital (MLEGH) na magsisilbing Temporary Treatment and Monitoring Facility.

Ang bago at modernongng gusali na pinasinayaan kamakailan ay makakatulong para hindi na kailanganin pang lumipat ng mga pasyente sa ibang ospital, ayon kay Mayor Carlo Eleazar. 

Kaya naman, nagpaabot ng pasasalamat si Eleazar sa Department of Health (DOH) gayundin kay Quezon Fourth District Representative Dr. Helen Tan sa patuloy nitong pagtulong sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga problemang pangkalusugan sa Tagkawayan.

Kabilang na dito ang pagbibigay ng mga karagdagang ambulansiya at ang pagkakalipat ng pangangasiwa ng MLEGH sa pamalaang nasyunal.

Si Tan ang pangunahing may akda ng pagsasabatas ng ‘renationalization’ ng nasabing pagamutan.

Ipinagmalaki naman ni Eleazar na wala pang dalawang taon mula nang ma-renationalized ang nasabing ospital ay nasa 11 na ang doktor na nagsisilbi dito mula sa dating tatlo. 

Malapit na rin aniyag magamit ang isang dalawang-palapag na gusali at isa pang anim na palapag na gusali na inaasahang matatapos sa susunod na taon.

Tiwala naman ang alkalde na matatapos sa loob ng tatlo hanggang limang taon ang mga ilan pang rehabilitasyon na isinasagawa sa ospital. Umaasa rin ito na madaragdagan pa ng hanggang sa 40 ang mga doktor sa MLEGH.

Inihayag naman ni Helen Tan ang ilan pang bagong pasilidad sa MLEGH kabilang na ang bagong intensive care unit at operating room na magagamit din sa mga emergencies.

Nais din siguruhin ng kongresista na kumpleto ang lahat ng kagamitan at kailangan aniyang matiyak na hindi na mahihirapan pa ang mga pasyenteng mga mako-confine sa ospital.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpapasinaya sa bagong pasilidad ng ospital sina Department of Health Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo, Hospital Administrator Dr. Ruby Efraim Rubiano, at Chief of Hospital Dr. Reynaldo Florido. (may ulat mula sa  Tagkawayan LGU

About the Author

Fredmoore Cavan

Information Officer II

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch