Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

188 estudyante sa BARMM, benepisyaryo ng BASE scholarship program

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) --Abot sa 188 estudyante mula sa iba’t-ibang mga lugar sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang benepisyaryo ng Bangsamoro Assistance for Science Education (BASE) scholarship program ng Ministry of Science and Technology (MOST-BARMM ) para sa school year 2021-2022.

Kamakailan ay inilabas ng MOST ang opisyal na listahan ng pangalawang batch ng grantees ng nasabing programa na makakatanggap ng cash allowance na nagkakahalaga ng P8,000 kada buwan.

“We are glad that the BASE Program has continually helped our Bangsamoro youth by providing them cash assistance throughout their college study (Kami ay nagagalak na ang BASE program ay patuloy na tumutulong sa kabataang bangsamoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo,” sinabi ni MOST minister Aida Silongan

Ang BASE ay isang cash assistance program para sa mga 1st-year college student na kumuha ng kursong science and technology. Layunin nitong hikayatin ang kabataang bangsamoro na ituloy ang produktibong karera sa agham at teknolohiya.

Samantala, noong Nobyembre 16 at 17 ay lumagda na sa kanilang kontrata ang 50 na mga iskolar mula sa lungsod ng Cotabato at Maguindanao.

Dagdag pa rito, magkakaroon rin ng oath taking ceremony para sa mga iskolar sa susunod na buwan. (With reports from MOST-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch