Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

7 loose firearms itinurnover ng mga opisyal ng Pikit, North Cotabato sa militar

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Abot sa pitong loose firearms ang itinurnover kamakailan ng mga opisyal ng Pikit, North Cotabato sa Joint Task Force Central (JTFC), sa pamamagitan ng 90th Infantry Battalion (90IB) ng Philippine Army.

Kabilang sa itinurnover na mga baril ay dalawang carbine rifles, isang M1 springfield rifle, dalawang garand rifles, at dalawang M1917 enfield rifles.

Sinabi ni 90IB commander Lt. Col. Rommel Mundala na ang pagturn-over ng loose firearms ay naging posible sa tulong ng mga opisyal mula sa pitong mga barangay ng Pamalian, Punol, Macasendeg, Damalasak, Kolambog, Silik, at Pulangi sa nasabing bayan.

Samantala, muling nanawagan si JTFC at 6th Infantry (Kampilan) Division commander Maj. Gen. Juvymax Uy sa ibang mga opisyal sa North Cotabato na tularan ang mga pagsisikap na ginawa ng mga opisyal ng Pikit.

Dagdag pa rito, ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa loose firearms at makatulong na maiwasan ang paggamit ng mga baril sa halalan sa susunod na taon. (With reports from 6th Infantry (Kampilan) Division).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch