Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Agri intervention para sa Palawan at Puerto Princesa, ipinagkaloob ng DA-Mimaropa

Agri intervention para sa Palawan at Puerto Princesa, ipinagkaloob ng DA-Mimaropa

Isa ang Project Zacchaeus Marketing Cooperative na pinamumunuan ni John Vincent Quevada Gastanes sa Lungsod ng Puerto Princesa sa napagkalooban ng Department of Agriculture (DA)-Mimaropa ng agriculture intervention kamakailan. (Larawan mula sa Puerto Princesa City Agriculture Office)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA)-Mimaropa sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ang iba’t-ibang agricultural intervention kamakailan.

Ito ay bilang suporta sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa probinsya at lungsod.

Umabot sa mahigit P21.4 milyon ang kabuoang  halaga na ipinamigay sa mga asosasyon at kooperatiba tulad ng Project Zacchaeus Marketing Cooperative, Mabuhay Multi-Purpose Cooperative, Aramaywan Corn Cluster Association, Elvita Farmers Multi-Purpose Cooperative, Abobalipata Corn Farmers Association, FA-PEACE, Tumarbong Rice and Corn Farmers Association, Samahang Magpapatubig ng Katiringan at Libtong Inc, at Sangretan Sangsulsugan It Tagbanuang Magsasaka at Iraan (SASTMI).  

Ang paggawad ng sertipiko sa mga benepisyaryong asosasyon at kooperatiba ay personal na dinaluhan nina DA Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Y. Evangelista, DTI Undersectary Flordelona L. Amate. Kasama din sila Mimaropa Regional Executive Director Antonio G. Gerundio, Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief Celso C. Olido, Agricultural Program Coordinating Officer Vicente A. Binasahan, Jr., Agricultural Center Chief III Librada L. Fuertes at City Agriculturist Mellissa U. Macasaet.

Sa Puerto Princesa, ang Project Zacchaeus Cooperative ay napagkalooban ng halagang P5 milyon at ang Mabuhay Multi-Purpose Cooperative naman ay napagkalooban ng halagang P2 milyon para sa kanilang trading fund sa ilalim ng Enhanced KADIWA.

Ang pondong ito ay kanilang gagamitin upang matulungan ang mga magsasaka ng lungsod na mabilis at maging maayos ang presyo at pagbebenta ng mga produktong agrikuktura.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Puerto Princesa City Agriculture Office sa DA sa pagtitiwala at pagkaloob ng ganitong opportunidad para sa mga organisasyong tumutulong upang maiangat ang antas ng sektor ng agrikultura sa Lungsod ng Puerto Princesa. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)


About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch