Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Magtayob Water Supply Project, pinasinayaan sa Rizal, Palawan

Magtayob Water Supply Project, pinasinayaan sa Rizal, Palawan

Pinangunahan ni Palawan Vice-Governor Victorino Dennis M. Socrates kasama sina Rizal Mayor Otol Odi at Quezon Mayor Joselito Ayala at iba pang opisyales ng lokal na pamahahalaan ang pagpapasinaya ng Magtayob Water Supply Project kamakailan (Larawan mula sa PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Mapapakinabangan na ng mga barangay sa mga bayan ng Quezon at Rizal ang Magtayob Water Supply System Project na itinayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa Barangay Bunog sa bayan ng Rizal, matapos na mapasinayaan ito kamakailan.

Ang nabanggit na proyekto ay maghahatid ng ligtas at malinis na inuming tubig sa apat na barangay na kinabibilangan ng Barangay Bunog at Iraan sa bayan ng Rizal, gayundin ang Quinlogan at Calumpang sa bayan naman ng Quezon kung saan naninirahan ang mataas na porsiyento ng mga katutubo.

Ang pagpapasinaya nito ay pinangunahan ni Palawan Vice-Governor Victorino Dennis M. Socrates kasama sina Rizal Mayor Otol Odi at Quezon Mayor Joselito Ayala at iba pang opisyales ng lokal na pamahahalaan.

Ang Magtayob Water System Project ang ika-58 na proyektong patubig na natapos at napapakinabangan na sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Jose Ch. Alvarez.

Ito ay bilang solusyon sa dinaranas na kakapusan sa suplay ng malinis na tubig sa bayan ng Rizal at Quezon.

Sa impormasyon ibinahagi ni Palawan Water Infrastructure Program Manager Engr. Ann Michelle Cardenas, umabot sa P17 milyon ang pondo ng proyektong ito mula sa dalawang nabanggit na munisipyo samantalang sinagot naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang lahat ng technical assistance at pagbuo ng disenyo ng nasabing proyekto. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch