Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Nat'l Vaccination Day, pinaghahandaan ng LGU Malapatan

MALAPATAN, Sarangani (PIA) -- Katulad ng ibang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Sarangani, patuloy din ang mga ginagawang paghahanda ng LGU Malapatan para sa National Vaccination Day sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. 

Binigyang-diin ni Malapatan Mayor Salway Sumbo, Jr. sa panayam sa Laging Handa Network Briefing News nitong Lunes na patuloy ang kanilang pagkikipag-ugnayan sa mga health officer at pagkakampanya sa 12 barangay sa bayan hinggil sa vaccination drive ng pamahalaan. 

Pinag-usapan sa pulong ng pitong mayor sa lalawigan ng Sarangani kasama si Gov. Steve Solon Lunes ng umaga ang mga estratehiya upang maparami ang mga residenteng mababakuhan sa tatlong araw na vaccination drive. 

Maliban sa mga estratehiyang inilalatag ng pamahalaang panlalawigan, pina-iigting din ng LGU Malapatan ang panghihikayat at paghahanda para sa mahalagang aktibidad. 

"Nakahanda na rin ang mga satellite vaccination (site) natin, sa mga center natin sa bawat barangay," ayon sa alkalde.

Nagpatawag din siya ng meeting sa municipal health office upang malaman ang mga kailangang suplay  at maging sa iba't-ibang sektor upang maipalaganap ang impormasyon at makatulong na manghikayat sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19. (DED/PIA XII) 


About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch