Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagbabakuna sa Malapatan, naging hamon sa LGU

MALAPATAN, Sarangani -- Naging malaking hamon sa lokal na pamahalaan ng Malapatan ang paghikayat sa mga mamamayan nito na magpabakuna laban sa COVID-19. 

Sa panayam sa Laging Network Briefing News  nitong Lunes, sinabi ni Malapatan Mayor Salway Sumbo, Jr. na naging challenging ang pagpapabakuna sa kanilang bayan, lalung lalo na sa mga upland barangay kung saan karamihan ng mga residente ay mga katutubong Blaan. 

Paliwanag ni Mayor Sumbo, ito ay dahil wala din namang nagkasakit sa kanila ng coronavirus disease. 

"Sila 'yong walang COVID na mga kaso. Pagdating sa vaccination, medyo nagkaroon tayo ng problema kasi ang sabi nila sa akin, 'Mayor wala namang COVID dito sa amin. Itong lugar namin ang pinaka-safe kaya kung pwede mamaya na kami magpabakuna'," sabi ni Mayor Sumbo. 

Gayunman, dagdag ng alkalde, wala pa ring humpay ang kanilang kampanya upang makahikayat pa ng maraming residente na magpapakuna na laban sa nakamamatay na virus.

Kaugnay nito, humingi na ang LGU ng tulong sa mga tribal leaders, mga opisyal ng mga barangay. 

"Inuuna natin ang mga barangay official at mga tribal leaders para ma-convince pa natin ang mga tribu, lalung lalo na ang mga pastor natin," ayon sa Mayor.  

Aniya, kinukumbinsi din nila ang ang mga pastor, mga lay persons, at mga imam na makiisa sa vaccination program sa pamahalaan. 

Sa ngayon, gumaganda na aniya ang kooperasyon ng mga lider pati na ang tribu sa pagpabakuna. 

Ayon kay Mayor Sumbo,  50 porsiyento ng mga residente ng 12 barangay sa Malapatan ay pawang katutubong Blaan.  (DED/PIA XII) 

About the Author

Danilo Doguiles

Assistant Regional Head

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch