Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsusuot ng face shield sa Puerto Princesa City, opsyonal na

Inanunsyo ng Local Inter-Agency Task Force ng Puerto Princesa City na simula Nobyembre 22 hanggang Nbyembre-30 ay opsyonal na ang pagsusuot ng face shield sa siyudad.(Larawan kuha ni Michael C. Escote/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Hindi na mandatory  ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Puerto Princesa City matapos na isailalim ang siyudad sa alert levet 2 simula Nobyembre 22 hanggang Nobyembre 30, 2021.

Sa virtual presser ng City Information Department, inanunsyo ni  Local Inter-Agency Task Force spokeperson Atty. Norman Yap, na opsyonal na ang pagsusuot ng face shield.

Magkagayunman, bahala na aniya ang mga pribadong establisyemento kung nais pa rin nilang pagsuotin ng face shield ang mga papasok sa kanilang tanggapan.

“Ang face shield, dahil sa tayo  ay alert level 2, ay sa ngayon ay optional na ngunit yung mga private establishments ay may discretion kung sakaling  gustuhin nila na i-require pa rin nila ang face shield sa mga pumapasok sa tanggapan ng mga private establishment”, pahayag ni Yap.

Samantala, matapos na inanunsyo ni Yap ang bagong kautusan, ilan sa mga establisyemento, kabilang na ang malalaking mall sa siyudad, ang nag-anunsyo na  rin na maaari nang pumasok sa kanila ang mga walang face shield. (MCE/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch