Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

El Nido, nagsagawa ng Travel Expo upang makahikayat ng mga turista

El Nido, nagsagawa ng Travel Expo upang makahikayat ng mga turista

Isinasagawa ng Bayan ng El Nido, sa pangunguna ng kanilang Municipal Tourism Office, ang 'travel expo' sa SM Puerto Princesa sa Nobyembre 22-26, 2021. Ito'y upang makahikayat ng turista na bumisita sa El Nido ngayong Kapaskuhan. (Larawan mula sa El Nido Tourism FB Page)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isinasagawa ngayon ng Bayan ng El Nido sa pangunguna ng kanilang Municipal Tourism Office ang isang Travel Expo na tinaguriang Turistang Palaweño.

Ito ay hakbang ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng El Nido upang makahikayat ng mga turista partikular ng mga Palawenyo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Noong Nobyembre 22 ay pormal na binuksan ang Travel Expo sa SM Puerto Princesa kung saan dinaluhan ito nina El Nido Municipal Administrator Raffy Cabate, Provincial Tourism Officer Maribel Buñi, Municipal Tourism Officer Sharmaine dela Cruz-Nur, Linapacan Mayor Jessie Del Prado, at iba pang local government officials, at tourism stakeholders.

Magtatagal ang travel expo hanggang Nobyembre 26, 2021. Inaasahan dito ang mga diskwento at 'exciting promos' sa mga magbabakasyon sa El Nido ngayong Christmas Season.

Hinihikayat naman ng Municipal Tourism Office ang mga nais magbakasyon sa El Nido na bisitahin ang kanilang Facebook Page na El Nido Tourism at sa #PaskoSaElNido para sa iba pang impormasyon.

Suportado naman ng Provincial Tourism Office, sa pangunguna ni Maribel Buñi, ang ‘travel expo’ ng El Nido.

Ayon kay Buñi, hindi lamang ang El Nido ang makikinabang sa gawaing ito kundi maging ang mga karatig-bayan nito na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang turismo.

Ang Bayan ng El Nido, kasama ng San Vicente at Coron, ay unti-unti nang binubuksan ang kanilang mga tourism destination sa mga turista matapos ang halos dalawang taon na pagkakasara nito dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch