Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Face-to-face classes sa 2022, posible ayon sa DepEd Romblon

Naghahanda na ang Schools Division of Romblon (DepEd Romblon) sa posibleng pagbabalik ng limited face-to-face (F2F) classes sa susunod na taon. (Larawan mula sa Deped Romblon)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Naghahanda na ang Schools Division of Romblon (DepEd Romblon) sa posibleng pagbabalik ng limited face-to-face (F2F) classes sa susunod na taon.

Ito ang sinabi ni Schools Division Superintendent Dr. Maria Luisa D. Servando nang ito ay bumisita kay Congressman Eleandro Jesus Madrona noong nakaraang linggo.

Ayon kay Dr. Servando, naghahanda na ang iba’t ibang paaralan sa lalawigan para sa pagpapatupad ng face-to-face classes at nakikipag-ugnayan na rin ang mga ito sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, mga magulang, at sa mga community stakeholders.

Sinabi ni Dr. Servando na naka-depende pa rin sa pakikiisa ng komunidad ang posibilidad na pagpapatupad ng F2F classes sa susunod na taon.

Inihayag rin ni SDS Servando kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng F2F para sa mas mainam na pagbibigay ng karunungan sa mga bata.

Samantala, nagpahayag ng kanyang suporta sa pagkakaroon muli ng F2F classes si Congressman Eleandro Madrona at sinabing handa ang kanyang opisina na makiisa sa mga programa ng DepEd Romblon sa pagbabalik ng F2F classes sa susunod na taon. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch