Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 900K indibidwal sa BARMM, target mabakunahan sa ‘Bayanihan, Bakunahan’

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)—Nasa kabuuang 985,947 indibidwal sa buong rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang target na mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isasagawang tatlong araw na national COVID-19 vaccination drive na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 sa ilalim ng programang ‘Bayanihan, Bakunahan.’

Ito ang inanunsyo ni Ministry of Health Minister Dr. Bashary Latiph sa isinagawang press conference kamakailan.

“Tayo po dito sa BARMM, ang target po natin ay 985,947 para sa three days na ‘Bayanihan, Bakunahan’ program. Per day ang dapat natin mabakunahan ay 328, 649. Nangangailangan po tayo ng mga vaccinator na 2,191 and other health workers, at mga volunteer,” sinabi ni Latiph.

Dagdag pa rito, binigyang-diin din ni Latip na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ng BARMM ang pagbabakuna kontra COVID-19 upang mas mapataas pa ang bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated sa rehiyon.

Samantala, mamamahagi rin ang Ministry of Social Services and Development ng tulong sa mga mahihirap na mababakunahan sa tatlong araw na kampanya.

Ang ‘Bayanihan, Bakunahan’ ay naglalayong paigtingin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng tatlong araw na sabayang bakunahan sa buong bansa. (With reports from BIO-BARMM).  



About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch