Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga kabataan, pinalaalalahan sa mga gampanin ngayong may pandemya

Ayon kay Engr. Escarilla, mainam na sundin ng mga kabataan ang mga batas laban sa Covid-19 para mas mabilis masugpo ang virus. (Larawan mula sa Odiongan Municipal Social Welfare and Development Office)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Nagpaalala sa mga kabataan ang Municipal Youth Development Office ng bayan ng Odiongan kung ano ang kanilang mga gampanin sa bayan ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa.

Ayon kay Engr. Escarilla, mainam na sundin ng mga kabataan ang mga batas laban sa Covid-19 para sa mas mabilis masugpo ang virus.

Aniya, dapat ang mga kabataan ay maging responsable sa tamang pagsusuot ng face masks, face shields, pag-obserba ng social distancing, pagpapabakuna at ang pananatili sa mga bahay kung walang importanteng gagawin sa labas.

Dagdag pa nito, mahalaga rin ang pag-aaral kahit walang face-to-face classes lalo pa ngayong pandemya.

Paalala rin ni Engr. Ecarilla sa mga kabataan ang patuloy na pangalagaan ang katawan at kalusugan sa pamamagitan ng wastong pagkain ng at pageehersisyo.

Ilan lamang ito sa mga ibinahagi ni Engr. Reden Escarilla na siyang Municipal Youth Development Officer ng bayan sa ginanap na selebrasyon ng Municipal Children’s Month noong ika-18 ng Nobyembre na may temang “New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata ating Tutukan!”.

Ang nasabing paggunita ay inorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch