Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Oriental Mindoro Heritage Museum, binuksan na sa publiko

Oriental Mindoro Heritage Museum, binuksan na sa publiko

Binuksan na kamakailan sa publiko ang Oriental Mindoro Heritage Museum na matatagpuan sa Brgy. Ibaba East lungsod ng Calapan. (Kuhang larawan ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Pormal nang binuksan sa publiko ang Oriental Mindoro Heritage Museum makalipas ang isinagawang inagurasyon, kasabay ng pagdiriwang ng ika-71 anibersaryo ng lalawigan kamakailan.

Makikita sa loob ng naturang museyo ang mga lumang kagamitan ng mga katutubong Mangyan sa bahay at sa hanap-buhay, mga naganap sa lalawigan noong ika-18 at 19 na siglo, kasaysayan kung paano nahati sa Oriental at Occidental ang lalawigan at kung sino ang mga tao sa likod nito, mga larawan ng gobernador at taon ng panunungkulan at marami pang iba.

Ipinapakita din dito ang yamang kultura, artikulo ng kasaysayan at bilang ng tribo ng mga katutubong Mangyan.

Isa sa pangunahing atraksiyon sa museyo ay ang nahukay na kalansay ng isang Tamaraw ilang taon na ang nakalipas. (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)
Makikita ang anyo sa loob ng dalawang palapag na gusali ang mga larawan ng kasaysayan ng lalawigan at ang ipinagmamalaking MaHalTaNa (Mangyan, Halcon, Tamaraw at Naujan Lake). (Kuhang larawan ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Ang kabuuang pagsasaayos ng lugar gayundin ang dalawang palapag na museyo ay nagkakahalaga ng P60 milyon na ipinagkaloob ni dating House Speaker Allan Peter Cayetano na makikita sa humigit-kumulang 2,500 metro kwadradong lote na dating kuta ng mga kastila na kung tawagin ay ‘Cal-kuta.’ Bukod sa museyo, mayroon din itong souvenir at coffee shop, convention hall na maaring pagdausan ng mga kasal, pagdiriwang ng kaarawan at iba pa.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, sinimulan itong buksan sa Mindoreño noong Nobyembre 24 at sa mga araw lamang ng Miyerkoles, Biyernes at Sabado ganap ng 10:00 AM hanggang 8:00 PM. Hindi pinapayagan ang walk-in at kailangan magpatala sa online appointment sa pamamagitan ng https://forms.gle/g1B79VLCZxnoJSWw8 at kailangan dalhin ang kopya ng kumpirmasyon na manggagaling sa kawani ng dibisyon ng Tourism Development and Promotions.

Tampok din ang mga larawan ng mga nagsilbing gobernador ng lalawigan mula pa noong panahon ng digmaan hanggang sa bagong siglo. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Tanging mga nakakumpleto ng bakuna lamang ang papahintulutang papasukin gayundin ang mga menor de edad basta may kasamang magulang o tagapag-alaga na kumpleto din ang bakuna at libre ang pag pasok sa lahat. (DN/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency (PIA) - Oriental Mindoro

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch