Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

400 overseas Bangsamoro workers nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Apat na raang Overseas Bangsamoro Workers (OBW) mula sa 37 barangay sa lungsod ng Cotabato ang nakatanggap kamakalawa ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ng Ministry of Labor and Employment (MOLE).

Ang tulong pinansyal ay bahagi ng reintegration program ng MOLE na mas kilala bilang “Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Mangagawa” kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P20,000 cash.

Layunin ng programa na mabigyan ng oportunidad ang mga OBW na makapagsimula ng kanilang negosyo.

Kasabay ng isinagawang pamamahagi ay nagbigay din ng mga lecture at tips ang ministry patungkol sa pagsisimula ng maliit na negosyo, basic entrepreneurial skills, bookkeping, at registration of workers association.

Samantala, mahigit 2,000 OBW mula sa iba’t-ibang mga probinsya sa rehiyon ang inaasahang makatatangap ng kaparehong tulong mula sa MOLE. (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch