Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

ALS para sa senior high, inilunsad ng Pasig City

Photos courtesy of Mayor Vico Sotto's FB page.

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Inilunsad kamakailan ang paglulunsad ng pilot implementation ng Alternative Learning System (ALS) - Senior High School, sa pangunguna ng Schools Division Office ng Pasig at Buting Senior High School.

Ikalawa pa lang po ang Lungsod ng Pasig na magkakaroon ng implementasyon ng ALS para sa SHS sa buong bansa. Sa kasalukuyan, may 81 learners na naka-enroll sa nasabing programa,” wika ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kasama ni Mayor Sotto ang mga kinatawan ng Schools Division Office of Pasig sa pangunguna ni OIC-SDS Ma. Evalou Concepcion Agustin at Pasig City Representatives Roman Romulo na siya ring Chairperson ng House Committee on Basic Education and Culture at principal author ng House Bill No. 06910 na kalaunan ay naisabatas bilang RA 11510 o Alternative Learning System Act.

Layunin ng ALS program na matulungang makabalik sa pag-aaral ang mga out-of-school youth at magbigay daan upang magkaroon pa ng mas maganda at mas maraming employment opportunities sa hinaharap. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch