Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BI handa na sa pagpasok ng mga bakunadong turista

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Handa na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpasok ng mga bakunadong turista mula sa “green list” na bansa simula sa Disyembre 1.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, nagpatupad ng ilan pagbabago ang Immigration para mapaghandaan ang pagpasok ng mga foreign national base sa IATF Resolution No.150-A.

 “So, ang ating frontline personnel in full force po iyan. Banned po sila ngayon from filing vacation leaves during the holiday season lalong-lalo na po ay tumatanggap na tayo ng turista galing sa ibang bansa”, ayon kay Sandoval.

Maliban dito ani pa ni Sandoval ay nagdagdag din sila ng 99 na Immigration Officers at may karagdagang batch pa na nakatakdang i-deploy.

“We have also maximized our manpower by adding 99 iyong Immigration Officers and there’s also another batch of Immigration Officers na hinihintay po natin na ma-deploy din,” dagdag pa ni Sandoval.

Nakahanda rin ani Sandoval ang rapid response team na naka deploy sa kanilang mga opisina sakaling kailangan ito para sa karagdagang manpower.

Samantala, nilinaw naman ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na hanggang December 15 lamang ang pagpapatupad ng IATF Resolution 150-A dahil kailangang munang i-monitor ang pagpapatupad nito at magkaroon ng kaukulang adjustment kung kinakailangan.

“So, ang inilabas na resolusyon ng IATF is hanggang December 15 but upon the implementation of this nang December 1, siyempre imo-monitor natin, we will make proper adjustment kung kinakailangan while we are monitoring its implementation on the ground and if we will extend it, we will extend it,” paliwanag ni Nograles.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Sandoval na ang mga papasukin sa bansa ay ang mga turista na galing sa “green list” sa nakalipas na labing apat na araw na.

Base sa EO 403, maaaring pumasok ang mga turista o ang mga visa free na bansa ngunit dapat ay nasa tala ito ng ‘green list’ countries.

“Iyong mga tourist po coming from the green list countries with in the last 14 days ay kailangan po very particular tayo doon, kailangang doon sila sa green list countries within the last 14 days, puedeng pumasok,” ayon kay Sandoval.

“So iyong EO 408 po kasi iyan ang nagsasabi po na sila ay visa-free, puwede po silang pumasok dito. These are 157 countries/nationalities that may enter but kailangan po nanggaling po sila sa 44 na green list countries’” dagdag na paglilinaw ni Sandoval. (MBP/PIA-IDPD)

About the Author

Joedie Mae Boliver

Editor

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch