Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cuyapo SK, nagpayo sa mga kabataang pahalagahan ang edukasyon

CUYAPO, Nueva Ecija (PIA) – Mag-aral nang mabuti upang hindi maligaw ng landas.
 
Ito ang payo ni Cuyapo Sangguniang Kabataan o SK Federation President Ernies Dale Cariño sa mga kapwa kabataan sa panayam sa Network Briefing News.
 
Kanya ding ipinanawagan ang pagkakaisa at pagtutulungan bilang mga kabataang Cuyapeño na may iisang adhikain. 
 
Ayon kay Casiño, patuloy na maaasahan ng mga nasasakupang kabataan ang suporta at tulong ng SK Federation sa edukasyon partikular sa pamamahagi ng ayuda tulad ng educational kit na kailangan habang nananatili ang modular at online classes.
 
Sumusuporta din aniya ang samahan sa pagtulong ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Florida Esteban sa mga paaralang nasasakupan sa bayan gaya ang pamamahagi ng mga computer set at printer gayundin ng mga school supplies tulad ng bond paper, ink at iba pa. 
 
Maliban aniya sa mga programa sa edukasyon ay regular din ang pagdaraos ng tree growing activity ng samahan na isa sa mga isinusulong na proyekto ng mga kabataan sa bayan katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon.
 
Ibinalita din ni Casiño na kasama na din sa mga binabakunahan laban sa COVID-19 ang mga edad 12 hanggang 17 anyos na mga kabataan sa munisipyo na sa katunayan ay isa ang kaniyang pamangkin sa mga nakatanggap na ng bakuna. 
 
Aniya, mula sa mga nabakunahang mga kabataan ay wala namang naiulat ang mga Rural Health Unit na nakaranas ng anumang seryosong side effect. (CLJD/CCN-PIA 3)

Si Cuyapo Sangguniang Kabataan Federation President Ernies Dale Cariño. (Camille C. Nagaño/PIA 3)

About the Author

Camille Nagano

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch