Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

E-gates para sa paparating na Filipinos muling binuksan--BI

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling ibinalik ng Bureau of Immigration (BI) ang paggamit ng electronic gate system (e-gates) para sa mga paparating na Filipinos sa bansa.

“Ni-resume na rin natin ang paggamit ng ating mga e-gates for arriving Filipinos. Makakatulong po ito sa mga OFWs lalong-lalo na sa iuuwi po ngayong Kapaskuhan”, ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval.

Ang muling pagbubukas ng e-gates ay bahagi ng paghahanda ng Immigration sa pagpasok ng mga turista mula sa “green list” na bansa simula Disyembre 1 hanggang 15.

Ayon kay Sandoval, malaki ang tulong sa paggamit ng e-gates dahil napapabilis nito ang pagproseso sa mga paparating na Filipinos.

Sa paggamit ng e-gates, nababawasan ng walong segundo ang karaniwang 45 seconds na pagproseso sa bawat tao.

“Normally, it takes around 45 seconds for processing ng isang tao, isang indibidwal but with the use of the e-gates, bumaba po ito up to eight second”, ayon kay Sandoval.

Bagama’t temporary itong sinuspinde sa panahon ng pandemya, tiniyak naman ng BI ang striktong pagpapatupad ng sanitation measures para maiwasan ang maaring kontaminasyon dahil sa pag hawak nito para sa pagkuha ng biometrics.

“But sa ngayon po, nag-implement tayo ng strict sanitation measures para masiguro po na mama-maximize nating iyong gamit po nitong e-gates at makakatulong dito sa pagpapabilis ng proseso sa arriving passengers”, dagdag pa ni Sandoval. (MBP/PIA-IDPD)

About the Author

Joedie Mae Boliver

Editor

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch