Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga Laptop tinanggap ng LGU Santa Maria mula sa DICT

Ayon kay Santa Maria Vice Mayor Dennis Corpin, malaking bagay ito para sa kanilang lokalidad upang mas maging ‘digitally empowered’ ang kanilang bayan. (Larawan mula kay VM Corpin)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Dalawampung bagong Laptop ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Santa Maria, Romblon mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kamakailan bilang bahagi ng Cybersafe Learning for Education Project ng ahensya.

Ayon kay Santa Maria Vice Mayor Dennis Corpin, malaking bagay ito para sa kanilang lokalidad upang mas maging 'digitally empowered' ang kanilang bayan.

Ang mga nasabing laptop ay ipapamahagi sa iba't ibang departamento ng munisipyo, sa dalawang national high school sa bayan, at sa ilang Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Workers sa mga barangay.

Sa isang mensahe nito, nagpasalamat si Corpin sa DICT dahil sa pagtanggap sa lokal na pamahalaan ng Santa Maria na makasama sa nasabing proyekto.

Ang Cybersafe Learning for Education Project ay isang component ng DICT’s Digital Education Program (DEP) na naglalayong mas magamit ang ICT sa pagpapaunlad ng cyber-education at pag-promote sa digital literacy. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch