Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pateros, nagbigay paalala para sa booster vaccine

Isasng Pateros file photo.

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagbigay ng ilang mga paalala ang Pamahalaang Bayan ng Pateros sa lahat ng mga naghihintay na mabigyan ng booster vaccine.

Ayon sa pamahalaang bayan, sa mga taga bayan ng Pateros na nabigyan ng first at second dose vaccines, hindi na kailangang magparehistro para sa kanilang booster. Hintayin lamang ang text message para sa booster schedule at magtungo sa vaccination center sa araw at oras na itinalaga at dalhin ang vaccination booklet.

Paalala ng pamahalaang bayan na kinakailangang umayon sa mga sumusunod na pamantayan para sa pagbibigay ng booster:

   a) Ang schedule ay dapat sumunod sa prioritization o categorization na pinatutupad ng DOH; A1-Health Workers; A2-senior citizens; A3-with comorbidity.

   b) Ang pagitan ng second dose at booster ay hindi dapat bumaba sa anim (6) na buwan kung ang bakunang nauna nang ginamit sa inyo ay Sinovac, Pfizer, Astrazeneca, Moderna o Sputnik at tatlong (3) buwan naman kung ito ay Johnson & Johnson (J&J).

Kung nakatira naman sa Bayan ng Pateros subalit nabakunahan sa labas ng ating bayan o sa ibang bansa, maaring mabigyan ng booster sa Pateros sundin ang mga sumusunod:

   a) Mag-text sa cellphone no. 0922-8549974 ng mga sumusunod:

        1. Pangalan

        2. Petsa ng kapanganakan

        3. Lugar ng tirahan (address)

        4. Saan nabakunahan at petsa ng 1st at 2nd dose

        5. Saan kategorya kayo napapabilang

        6. Cellphone number

   c) Maghintay ng text message. Kapag nakatanggap na ng message para sa booster schedule ay pumunta sa vaccination center sa araw at oras na itinalaga dala ang inyong ID na magpapatunay na kayo ay taga Pateros, at vaccination record.

Paalala rin ng Pamahalaang Bayan ng Pateros na mahalagang dalhin ang vaccination record. (Isang Pateros/PIA-NCR)  

About the Author

Jimmyley Guzman

Officer-in-Charge

NCR

Feedback / Comment

Get in touch