Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

4 na miyembro ng BIFF sumuko sa mga awtoridad sa North Cotabato

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) --  Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan faction na nag o-operate sa North Cotabato ang nagbalik-loob kamakailan sa pamahalaan.

Ito ay matapos silang sumuko sa mga tropa ng Joint Task Force Central (JTFC) sa bayan ng Midsayap sa nasabing probinsya.

Kabilang sa itinurnover na mga baril ay isang M60 barret rifle, dalawang 7.62mm sniper rifles, at isang M14 rifle.

Sinabi ni 602nd Infantry Brigade Commander Colonel Jovencio Gonzales na ang pagsuko ng mga BIFF ay naging posible sa tulong ng komunidad sa hangarin nitong makamtam ang kapayapaan sa Central Mindanao.

Dagdag pa rito, nagpaabot din ng pasasalamat si JTFC at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander Major General Juvymax Uy sa komunidad sa naging pagtulong nito sa gobyerno upang mapadali ang pagsuko ng mga BIFF.

Samantala, ang mga sumukong rebelde ay makatatanggap ng livelihood packages mula sa Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong pakikibaka - Hadlangan ang Violent Extremism (DIWATA-Haven) program ng lokal na pamahalaan ng North Cotabato. (With reports from 6th Infantry (Kampilan) Division).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch