Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Gov. Catamco muling nanawagan na samantalahin ang libreng COVID-19 vaccine

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato (PIA)—Kaugnay sa isinasagawang tatlong araw na Bayanihan Bakunahan sa buong bansa, muling nanawagan si Governor Nancy Catamco sa North Cotabateños na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 habang ang bakuna ay libre pang ibinibigay ng pamahalaan.

Iginiit din ng gobernadora na ang mga bakunang itinuturok ay ligtas. Aniya, bilang patunay nito ay nagpabakuna siya maging ang mga alkalde at iba pang opisyal sa lalawigan.

Paliwanag ni Catamco, ang COVID-19 vaccine ay dumaan sa masusing testing bago nabigyan ng otorisasyon upang gamitin. Hinikayat din ng gobernadora ang mga gustong magpabakuna na makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay Health Station o Rural Health Unit upang magpatala.

Sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan, abot sa higit 98,000 indibidwal sa North Cotabato ang target na mabakunahan ng Department of Health.

Ang Bayanihan Bakunahan ay isa sa mga paraan ng pamahalaan upang mapabilis ang pagkamit ng herd immunity o pagbabakuna ng 70 porsiento ng target eligible population.

Samantala, base sa Nobyembre 27, 2021 na datos ng Integrated Provincial Health Office, nasa 42.60 porsiento o 264,362 na mga indibidwal pa lamang ang fully vaccinated sa probinsya.


About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch