Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 5k Romblomanon nabakunahan sa unang araw ng NVD

Sa bayan ng Odiongan, mapa-bata at matanda ay pumila upang mabakunahan ng Pfizer vaccine. Maaga pa lang sila ay pumila na para iwas sa dagsa ng mga tao pagdating ng tanghali. (PJF)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Naging matagumpay ang pagsisimula ng National Vaccination Days (NVD) sa probinsya ng Romblon sa Nobyembre 29 matapos makapagbakuna ng may aabot sa 5,091 na mga Romblomanon sa buong probinsya.

Batay sa talaan mula sa Department of Health Center for Health and Development Mimaropa, 34% ng 14,949 NVD target ang nabakunahan sa unang araw ng NVD sa Romblon.

Layunin ng NVD na maideklara ang herd immunity hindi lamang sa Romblon kundi maging sa buong bansa.

Sa tatlong araw na vaccination drive na ito target ng probinsya na makapagbakuna ng 44,848 na indibidwal laban sa Covid-19.

Sa bayan ng Odiongan, mapa-bata at matanda ay pumila upang mabakunahan ng Pfizer vaccine. Maaga pa lang sila ay pumila na para iwas sa dagsa ng mga tao pagdating ng tanghali.

Sama-sama rin ang iba’t ibang government agencies sa nasabing programa, kaya maliban sa mga health workers, may mga naka-deploy ring mga personnel ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology na tumutulong sa pagkuha ng blood pressure ng mga nagpapabakuna.

Nauna nang sinabi ng Provincial Health Office na may 62,540 doses ng iba’t ibang bakuna laban sa Covid-19 ang nakaantabay na sa iba’t ibang Rural Health Unit sa buong probinsya. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch