Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Oplan IRON CLAD ng PNP suportado ng LGU Kidapawan

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato (PIA)—Nagpahayag ng suporta ang pamahalaang panlungsod ng Kidapawan sa isinusulong na Oplan IRON CLAD o Integrated and Revitalized Operation of Neighborhood Integrated Watch against Criminality, Lawlessness, and Disasters ng Police Regional Office o PRO 12.

Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, ito ay bilang pakikiisa sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Ito ang binigyang-diin ng alkalde matapos ang pagbisita ni PRO 12 Regional Director PBGen. Alexander Tagum sa lungsod kamakailan.

Sa kanyang command visit, ibinahagi ni Tagum ang mga hakbang sa paglaban sa kriminalidad, pagpapalakas ng police-community relations, at maging ang epektibong pagtugon sa panahon ng kalamidad. Dagdag pa rito, inihayag din ng opisyal na nakasentro ang programa sa pagsisigurong nagagampanan ng kapulisan ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Maliban sa pagbahagi ng impormasyon hinggil sa IRON CLAD, nagsagawa rin ng ocular inspection sa Kidapawan City Police Station ang opisyal.

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Tagum sa pamahalaang panlungsod sa patuloy na suporta nito sa adhikain ng kapulisan lalo na pagdating sa peace and order. (With reports from JSCJ-CIO Kidapawan)

About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch