Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Unang araw ng National Vax Day sa Puerto Princesa, dinagsa

Unang araw ng National Vax Day sa Puerto Princesa, dinagsa

Maagang pumila ang mga residente ng Puerto Princesa City sa ibat-ibang vaccination site para magpabakuna sa tatlong araw na National Vaccination Day na nagsimula ngayong November 29-December 1,2021.(kuhang larawan ni Mike Escote)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA)--Dumagsa  ang mga residente ng Puerto Princesa City na nagpabakuna sa unang araw ng National Vaccination Day ngayong araw.

Maaga pa lamang ay mahaba na ang mga nakapila sa City Colisuem, sa tatlang mall, Palawan National School at iba pang vaccination site.

Kabilang sa mga maagang pumila si Willy Gardosa, 35, residente ng Bgy Milagrosa, na ayon sa kaniya, 6:00 AM pa lamang ng umaga ay nakapila na para mabakunahan ng first dose.

“Para makaiwas tayo sa sakit pati pamilya ko makaiwas sa sakit na dulot ng Covid-19," pahayag niya nang tanungin kung bakit kailangang niyang magpabakuna.

Sabay namang nagpabakuna ang  magkaibigang sina Fampie Perante at Jenny Rose Millora, kapwa 15 anyos, na pareho ring grade 10 sa Palawan National School.  Anila, ninais nilang magpabakuna para hindi na  kumalat pa ang virus at maging Covid-free na ang lahat.

Umaasa rin ang mga mag-aaral na sa pamamagitan ng bakuna ay magkakaroon na ng face to face classes sa susunod na taon.

Ayon kay DOH Mimaropa Regional Director Mario Baquilod, ang NVD na magtatagal hanggang Disyembre 1,2021 ay ginagawa para mapataas ang bilang ng mga bakunado sa bansa lalo na’t may natuklasan na naman sa ibang bansa na bagong variant ng Covid-19.

Samantala, personal namang dumalo sa launching ng NVD kaninang umaga sa siyudad sina DOH Mimaropa Regional Director Mario Baquilod, DOH Assistant Secretary Dr. Maria Francia Laxamana, WHO Consultant Abnet Samuel, mga lokal na opisyal at iba pa.(MCE/PIA MIMAROPA, PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch