Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bakunahan sa Koronadal City, dinagsa

LUNGSOD NG KORONADAL CITY, South Cotabato --  Mahahabang pila ang sumalubong sa mga vaccination team sa pagsisimula ng Bayanihan  Bakunahan sa Koronadal City Lunes ng umaga. 

Mas kapansin-pansin dito ang siksikan ng mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 sa gymnasium sa  Christ the King Parish kung saan binabakunahan ang mga batang walang karamdaman o "rest of the pediatric population."

Punuan din ang iba pang vaccination sites sa lungsod tulad ng KCC Mall of Marbel,  Mall of Ace Centerpoint, Barangay Saravia Gymnasium, at Barangay Concepcion Gymnasium. 

Maliban sa mga nabanggit, may bakunahan din sa Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center,  Allah Valley Medical Specialists, Inc., at South Cotabato Provincial Hospital.  

Matatandaang sinabi ni Dr. Stephen Mortera, OIC ng City Health Office, na nakatutok sa Pediatric A3 o 12 to 17 years old with comorbidities ang South Cotabato Provincial Hospital at Allah Valley Medical Specialists. 

Ayon sa impormasyon mula sa City Health Office, ang vaccination team sa Barangay Saravia ay babalik na  sa CityMall of Koronadal uoang doon na magbabakuna mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1. Ang CityMall at KCC Mall ay parehong regular na vaccination hub ng Koronadal City Health Office. 

Sa tatlong araw na National Vaccination Day, target ng Koronadal City na makapagbakuna ng 35,046 na indibidwal o 11,682 kada araw. 

"We have to remember that it is crucial for us to protect ourselves and our community. This is because as an individual it is very important na protektahan naton kag kinahanglan naton kung gusto naton nga malab-ot ang new normal nga status sa aton nga community," ayon kay Dr. Mortera habang patuloy na nananawagan sa publiko na tangkilikin ang handog ng gobyerno na libreng bakuna laban sa coronavirus disease. 

Sa datos ng City Health Office, noong Nobyembre 19, nasa 30.53% pa lang ng populasyon ng Koronadal City ang fully vaccinated samantalang 49.21% naman ang partially vaccinated. (DED/PIA XII) 

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch